Umabot mula apat hanggang anim na talampakan ang taas ng alon sa dalampasigan ng Bgy. Poblacion, San Agustin, Romblon na naging dahilan para masira ang seawall at pumasok ang tubig mula sa dagat papunta sa kabayanan. Ito ang naging sanhi ng pagbaha sa lugar sa kasagsagan ng Bagyong Opong.