Arestado ang dalawang lalaki, na may edad na 23 at 25-anyos, matapos nilang tutukan ng baril at hablutin ang kwintas at bracelet ng isang lalaki habang naglalakad sa bahagi ng Metropolitan Avenue sa Barangay San Antonio, Makati City, pasado alas 11:00 ng gabi nitong Huwebes, Setyembre 4.