“Dasurb! Ambilis talaga ng karma!” Ito ang sinabi ni Atin Ito co-convenor Rafaela David sa nangyaring banggaan sa pagitan ng dalawang barko ng People’s Liberation Army at Chinese Coast Guard habang hinahabol ang BRP Suluan sa Bajo de Masinloc (Panatag Shoal).