Sunod-sunod na anti-illegal drug operations ang ikinasa ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong high-value individuals (HVI) at pagkakakumpiska ng aabot sa P2.75-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na operasyon.