Walang sama ng loob at hindi pilit na inalis bilang chairperson ng Energy Regulatory Commission si Attorney Monalisa Dimalanta. Pero mananatiling pinuno ng ERC si Dimalanta hanggang hindi pa tinatanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos ang kanyang irrevocable resignation.